JATROPHA PLANTATION PROJECT NI GOB. NANTES ABOT KAMAY NA: TAGKAWAYAN JATROPHA FARMERS MULTI-PURPOSE COOPERATIVE TUTULUNGAN NG LAND BANK NA MAPABILIS ANG PAGKUHA NG P7.5M LOAN

MAY0 7, 2009, LUNGSOD NG LUCENA ---Abot-kamay na ang proyekto ni Gobernador Raffy P. Nantes na Jatropha Plantation. Tiniyak ng  Land Bank of the Philippines ( LBP ) sa mga opisyales at miyembro ng Tagkawayan Jatropha Farmers Multi-Purpose Cooperative ( TJFMPC ) na agarang ipo-proseso ang mga kinakailangang papeles upang mapabilis ang pagre-release ng initial na P7.5M na kanilang loan para sa pagtatanim, pagpapalaki at pag-ani ng jatropha curcas. Ito ay bahagi ng proyektong pang-agrikultura at pang-kabuhayan ni Gob. Nantes sa layuning maiangat ang antas ng pamumuay ng mga mamamayan sa lalawigan ng Quezon.

Bukod dito, inaasistehan din ang TJFMPC ng Quezon Jatropha Development Board ( QJDB ) sa teknikal  na  aspeto nang sa gayun ay higit pang lumawak ang kanilang kooperatiba at mapagkalooban ng karagdagang pagkakakitaan ang magsasaka ng Tagkawayan,Quezon.

Ibinatay ng LBP ang kanilang aksyon sa resulta ng isinagawang inspection sa Jatropha Nursery at Plantation sa Tagkawayan , Quezon kahapon, Mayo 6,2009. Pinangunahan ni G. Oscar Bunyi-Vice Chairman ng QJDB , na tumatayo ding project coordinator ang inspection kasama sina Gng. Minda de Torres, Andres Abary  Jr. At Roberto Atregenio Jr, samantalang sa panig ng LBP ay si Gng. Stella Mylene Villanueva, Property Appraiser , na nagsagawa ng interview sa mga opiyales at miyembro ng TJFMPC.

Ayon kay Gng. Villanueva, malaki ang posibilidad na mai-release na kaagad sa nasabing kooperatiba ang initial loan dahil sa nakita niyang katatayuan ng mga nakatanim nang jatropha. Malaki ang paniniwala nito na uunlad ang nasabing proyekto kung kaya’t inabisuhan niya ang mga TJFMPC na pinamumunuan ni G. Jun Serrano na isaayos kaagad ang mga papeles sa loan agreement.
Binanggit naman ni TJFMPC President Serrano na oras na mapasakamay na nila ang hinihiram na pondo ay mas magiging mapalawak pa ang mga lupang kanilang matataniman ng jatropha dahil makakabili na sila ng mga kinakailangang pestisidyo.
Sa kasalukuyan ay mahigit na sa 100 ektaryang  idle lands sa Tagkawayan, Quezon ang may tanim ng jatropha  at malaki ang posibilidad na lumawak pa ito lalo pa’t nagbigay na ng kasiguruhan ang LBP na tutulong sa mabilis na pagre-release ng pondo.

Ikinatuwa naman ni QJDB Vice-Chairman Bunyi ang nasaksihang pagyabong ng mga puno ng jatropha. Indikasyon umano ito na patungo na sa realidad na pag-unlad ang proyekto ni Gobernador Raffy P. Nantes na inaasahang makapagbibigay ng karagdagang trabaho hindi lamang sa mga residente ng Tagkawayan manapa’y sa ibang bayan sa lalawigan ng Quezon ( PGOmbTSM/NMB.)
 
July 13, 2009 - PNP Provincial Office, Nag-ulat kay Gob. Nantes
July 03, 2009 - Covered Court ng Tayabas West Central Elementary School pinasinayaan
July 01, 2009 - Turn-over ceremony para sa 41 Corehousing Units sa Mauban
June 22, 2009 - Bisita Opisyal ni Gov. Nantes sa Jomalig at Patnanungan, Quezon
June 16, 2009 - Infanta - Marikina Road, binisita ni Gov. Nantes
June 15, 2009 - Quezon Provincial Day Care Workers Convention
June 08, 2009 - Gov. Nantes - Nagkaloob ng P2.6M halaga ng gamot.
May 20, 2009 - Lucban Pahiyas Festival Dinagsa
May 20, 2009 - 2nd RDC Quarter Meeting
May 20, 2009 - Maubanog Festival
May 20, 2009 - Prestigius Award,Nakamit ng Quezon Council
May 18, 2009 - Gov. Nantes,” NO. 4 National Winner“ , as  Council Chairman ng Boy Scouts of the Philippines ( BSP )
May 18, 2009 - Philippine National Oil Company (PNOC)
May 14, 2009 - Provincial Youth Development Council
May 12, 2009 - Dream Action Plan

May 08, 2009 - 1st Quezon Climate Change Conference

May 07, 2009 - Jatropha Plantation Tagkawayan
April 28, 2009 - 37th QUEZELCO Anniversary