GOB.NANTES NAGKALOOB NG P2.6M HALAGA NG MGA GAMOT SA 13 DISTRICT HOSPITALS SA LALAWIGAN

HUNYO 8, 2009, LUNGSOD NG LUCENA ---Ipinagkaloob ni Gobernador Raffy P. Nantes sa 13 District Hospitals sa lalawigan ng Quezon ang ibat-ibang klase ng mga gamot na nagkakahalaga sa kabuuan ng P2,637,834.05.

Personal na tinanggap ng mga Director ng District Hospitals mula kay Gob. Nantes ang kahon ng mga gamot habang idinaraos ang regular na flag raising ceremony kaninang umaga na nagsilbing host ang tanggapan ng Provincial Accounting Office.

Ayon kay Provincial Planning and Development Officer ( PPDO ) Engr. Irma Garde na siyang nangasiwa sa programa, ang mga gamot na ipinagkaloob sa mga ospital sa lalawigan ay nanggaling sa share o kinita ng Pamahalaang Panglalawigan mula sa buwis ng Team Energy sa Pagbilao at Mauban Power Plant.

Katuparan rin aniya ito ng pangarap ni Gob. Nantes ani Engr. Garde na mapagkalooban ng sapat na serbisyo ang mga mamamayan sa aspeto ng kalusugan batay sa priority program na “ NANTES PO “. Idinagdag ni Engr. Garde na ang Quezon Medical Center ( QMC ) at dalawang iba pang district hospitals ay hindi nakabilang sa pagkakalooban ng mga gamot subalit ipagagawa naman ang kanilang mga pasilidad.

Inianunsyo ni Gob. Nantes na upang mas maging mabilis ang mobilisasyon ng serbisyong medikal sa mga malalayong barangay sa lalawigan ay magkakaloob siya ng karagdagang limang ambulansya sa QMC at tig-iisa sa mga district hospitals.

Ang mga district hopsitals na pinagkalooban ng mga gamot ay binubuo ng Alaba District Hospitals; Bondoc Peninsula District Hospitals sa Catanauan,Quezon ; Candelaria Municipal Hospital ; Claro M.Recto Municipal Hospital sa Infanta ; Dona Marta Memorial Hospital sa Atimonan ; Gumaca District Hospital ; Maria Eleazar Memorial Hospital sa Lopez, Quezon ; Polilio Medicare Community Hospital ; Sampaloc Medicare Community Hospital ; San Francisco Muncipal Hospital ; San Narciso Municipal Hospital ; at Unisan Medicare Hospital . (PGOmbTSM/NMB )
 
July 13, 2009 - PNP Provincial Office, Nag-ulat kay Gob. Nantes
July 03, 2009 - Covered Court ng Tayabas West Central Elementary School pinasinayaan
July 01, 2009 - Turn-over ceremony para sa 41 Corehousing Units sa Mauban
June 22, 2009 - Bisita Opisyal ni Gov. Nantes sa Jomalig at Patnanungan, Quezon
June 16, 2009 - Infanta - Marikina Road, binisita ni Gov. Nantes
June 15, 2009 - Quezon Provincial Day Care Workers Convention
June 08, 2009 - Gov. Nantes - Nagkaloob ng P2.6M halaga ng gamot.
May 20, 2009 - Lucban Pahiyas Festival Dinagsa
May 20, 2009 - 2nd RDC Quarter Meeting
May 20, 2009 - Maubanog Festival
May 20, 2009 - Prestigius Award,Nakamit ng Quezon Council
May 18, 2009 - Gov. Nantes,” NO. 4 National Winner“ , as  Council Chairman ng Boy Scouts of the Philippines ( BSP )
May 18, 2009 - Philippine National Oil Company (PNOC)
May 14, 2009 - Provincial Youth Development Council
May 12, 2009 - Dream Action Plan

May 08, 2009 - 1st Quezon Climate Change Conference

May 07, 2009 - Jatropha Plantation Tagkawayan
April 28, 2009 - 37th QUEZELCO Anniversary