P6.5 M IPINAGKALOOB NG PAMAHALAANG PANGLALAWIGAN NG QUEZON SA MAHIGIT SA ISANG LIBONG DAY CARE WORKERS

HUNYO 15, 2009,  LUNGSOD NG LUCENA ---  Tumanggap ng tig-limang libong piso ang 1,186 na mga Day Care Workers (DCWs) sa lalawigan ng Quezon mula sa Pamahalaang Panglalawigan sa ginanap na Quezon Provincial Day Care Workers Convention alinsunod sa Presidential Proclamation No. 404 na nagtatakda sa National Day Care Worker’s Week Celebration noong Hunyo 11, 2009 sa Quezon Convention Center sa lungsod ng Lucena.

Pinangunahan ni Gob. Raffy P. Nantes kasama ang kaniyang maybahay na si Mrs. Betty B. Nantes ang pamamahagi ng tulong pinansyal sa mga Day Care Workers.  Sinaksihan rin ito nina Provincial  Social Welfare and Development Officer Sonia Leyson, DSWD Region IV A Dir. Honorita Bayudan, Bokal Alona Obispo, Bokal Teresita Dator at Panauhing Tagapagsalita Muntinlupa Congressman Ruffy  B. Biazon.

Bukod naman sa pamamahagi ng tulong pinansyal sa mga day care workers nagkaroon rin ng paligsahan sa pag-awit at pagsayaw ang mga ito, gayundin ang “Search for Mutya ng DCW.”   Ayon kay PSWD Officer Sonia Leyson layunin ng nasabing aktibidad na mapalakas ang samahan ng mga day care workers sa buong lalawigan kaya naman aniya malaking bagay na nagkakaroon ng day care convention sa loob ng isang taon. 

Pinapurihan naman ni Gov. Nantes ang mga DCWs sa lalawigan sa malaking tulong na ibinibigay ng mga ito para sa mga bata upang mahubog sa magandang asal at karunungan. 
Gayundin inenganyo ng ama ng lalawigan ang mga DCWs na patuloy na magsikap upang mapaunlad pa ang kanilang pamumuhay.

Sa naging mensahe naman ni Cong. Biazon sa mga day care workers binigyang halaga niya ang mga ito dahil sa malaking  naitutulong sa pangangalaga ng mga bata upang mapalaking maging mabuting mamamayan.  Dito ay inihayag rin niya na dapat na maipatupad na sa lalong madaling ang Magna Carta for Day Care Workers na kaniyang inakda.  Aniya dapat na makatanggap ng tamang benepisyo ang mga DCWs, sa kasalukuyan ay honorarium lamang ang natatanggap ng mga ito na nagkakahalaga ng 500 piso hanggang 1,000 piso,  sa nasabing batas pagkakalooban na ng sweldo ang mga DCWs.
Ipinagmalaki naman ni Leyson na dito sa lalawigan ng Quezon nagsimula ang pagdiriwang ng Day Care Worker’s Convention.  Aniya taong 2003 ng ito ay ganapin sa lalawigan na sa kalaunan ay  ipinatupad na rin sa iba pang mga probinsya  sa buong bansa  sa pamamagitan ng nabanggit na Presidential Proclamation No. 404.

Bunsod naman  ng pangunguna ng lalawigan sa pagsasagawa ng ganitong aktibidad inihayag ni Leyson na hanggang sa kasalukuyan ay ang Quezon pa rin ang nag-iisip ng tema para dito, tulad ngayong taon na may temang “DCWs: Kabalikat at Kasangga ng Lipunan sa Paghubog ng Bright Child ng Bayan.”

Samantala sa nasabing okasyon ay binigyan ng sertipiko ng pagkilala ang mga day care worker’s mula sa iba’t-ibang bayan sa buong lalawigan na naglingkod ng 13 taon pataas.   Dito ay binigyang parangal rin ang napiling Outstanding Day Care Worker ng Quezon para ngayong taon na si Gng. Leonila Jabrica ng Candelaria, Quezon. (pgomb NMB/TSM)

 
July 13, 2009 - PNP Provincial Office, Nag-ulat kay Gob. Nantes
July 03, 2009 - Covered Court ng Tayabas West Central Elementary School pinasinayaan
July 01, 2009 - Turn-over ceremony para sa 41 Corehousing Units sa Mauban
June 22, 2009 - Bisita Opisyal ni Gov. Nantes sa Jomalig at Patnanungan, Quezon
June 16, 2009 - Infanta - Marikina Road, binisita ni Gov. Nantes
June 15, 2009 - Quezon Provincial Day Care Workers Convention
June 08, 2009 - Gov. Nantes - Nagkaloob ng P2.6M halaga ng gamot.
May 20, 2009 - Lucban Pahiyas Festival Dinagsa
May 20, 2009 - 2nd RDC Quarter Meeting
May 20, 2009 - Maubanog Festival
May 20, 2009 - Prestigius Award,Nakamit ng Quezon Council
May 18, 2009 - Gov. Nantes,” NO. 4 National Winner“ , as  Council Chairman ng Boy Scouts of the Philippines ( BSP )
May 18, 2009 - Philippine National Oil Company (PNOC)
May 14, 2009 - Provincial Youth Development Council
May 12, 2009 - Dream Action Plan

May 08, 2009 - 1st Quezon Climate Change Conference

May 07, 2009 - Jatropha Plantation Tagkawayan
April 28, 2009 - 37th QUEZELCO Anniversary