GOB. NANTES HINIMOK ANG MGA KAWANI NG PAMAHALAANG PANGLALAWIGAN NA ISABUHAY ANG “ DREAM, PLAN, ACTION, “ UPANG UMUNLAD ANG LALAWIGAN NG QUEZON

MAYO 12, 2009, LUNGSOD NG LUCENA---Nanawagan si  Gobernador Raffy P.Nantes sa  mga kawani ng Pamahalaang Panglalawigan na isabuhay ang “ Dream, Plan, and  Action “ o DPA upang umunlad ang lalawigan ng Quezon.

Ginawa ng Gobernador ang panawagan kaalinsabay ng Flag Raising Ceremony kahapon ng umaga na ang tanggapan ng Provincial Agriculturist Office ang tumayong host.

Naniniwala si Gob. Nantes na ngayong taon ay makakamit ng Pamahalaang Panglalawigan ang apat pang kategoriya sa isinagawa kamakailan na Pang-rehiyong Gawad Saka. Sa kabuuang 13 kategoriya, 9 ang napanalunan ng Pamahalaang Panglalawigan.

Bukod dito ay inatasan ng Ama ng Lalawigan ang lahat ng tanggapan sa Pamahalaang Panglalawigan na ipatupad ang Economic Base Organization gayundin ang Compact Farming o pag-aalaga ng hayop , at paggugulayan sa mga bakuran ng bawat bahay.

Nauna nang isinagawa sa compound ng Sacred Heart College ( SHC ) kamakailan ang Compact Farming sa pagnanais ni Gob. Nantes na magkaroon ng mga karagdagang pinagkakakitaan ang mga mamamayan ng lalawigan ng Quezon.

Layunin din nito na mahadlangan ang Food Crisis at makatulong upang mabalanse ang maayos na kalalagayan ng kapaligiran laban sa epekto ng Global Warming.

Ipinaalala ng Gobernador na balewala ang pagiging outstanding ng lalawigan kung hindi naman mapagkakalooban ng sapat na suporta ang mga magsasaka . Malaking bahagdan ng pinagkakakitaan  ng lalawigan ng Quezon ay  nakabase sa agrikultura kung kaya’t naka-sentro ang kanyang programa  sa pag-angat ng kabuhayan ng mga magsasaka.

“ Dapat ay kumikita na tayo ng malaki sa agrikultura, at magagawa natin ito kung tayong lahat ay sama-samang gumagalaw at nagkakaisa para sa kaunlaran ng lalawigan”, ani Gob. Nantes. ( PGOmbTSM/NMB)

 
July 13, 2009 - PNP Provincial Office, Nag-ulat kay Gob. Nantes
July 03, 2009 - Covered Court ng Tayabas West Central Elementary School pinasinayaan
July 01, 2009 - Turn-over ceremony para sa 41 Corehousing Units sa Mauban
June 22, 2009 - Bisita Opisyal ni Gov. Nantes sa Jomalig at Patnanungan, Quezon
June 16, 2009 - Infanta - Marikina Road, binisita ni Gov. Nantes
June 15, 2009 - Quezon Provincial Day Care Workers Convention
June 08, 2009 - Gov. Nantes - Nagkaloob ng P2.6M halaga ng gamot.
May 20, 2009 - Lucban Pahiyas Festival Dinagsa
May 20, 2009 - 2nd RDC Quarter Meeting
May 20, 2009 - Maubanog Festival
May 20, 2009 - Prestigius Award,Nakamit ng Quezon Council
May 18, 2009 - Gov. Nantes,” NO. 4 National Winner“ , as  Council Chairman ng Boy Scouts of the Philippines ( BSP )
May 18, 2009 - Philippine National Oil Company (PNOC)
May 14, 2009 - Provincial Youth Development Council
May 12, 2009 - Dream Action Plan

May 08, 2009 - 1st Quezon Climate Change Conference

May 07, 2009 - Jatropha Plantation Tagkawayan
April 28, 2009 - 37th QUEZELCO Anniversary