GOB.NANTES,” NO. 4 NATIONAL WINNER “ , AS COUNCIL CHAIRMAN NG BOY SCOUT OF THE PHILIPPINES ( BSP )
MAYO 18, 2009, LUNGSOD NG LUCENA ---Tinanghal na pang-apat sa anim na pararangalan bilang National Winner as Council Chairman ng Boy Scout of the Philippines ( BSP ) si Gobernador Raffy P. Nantes.
Ito ang inianunsyo sa regular flag raising ceremony kaninang umaga ni Mr. Carlo Vinci Villafranca, Public Affairs Information and Assistance Divison ( PAIAD ) Head at tumatayo ring Local Council Executive Board Member ng BSP-Quezon Council.
Ayon kay Villafranca, nakatakdang isagawa sa Garden Orhids Hotel Zamboanga City sa Mayo 20, 2009 ang awardng ceremony subalit dahil sa ang okasyon ay kasabay ng pagdaraos ng Harvest Festival ay ipauubaya na lamang ni Gob. Nantes sa kanyang representante ang pagtanggap ng parangal.
Lingid sa kaalaman ni Gob. Nantes bilang Council Chairman, isinali nina Villafranca, Council Scout Executive Joel Avilledo at Field Scout Executive Baldwin Baldovino ang kanyang pangalan bilang isa sa “ Search for Outstanding Local Council Chairmen “.
Ang mga “achievements” ni Gob. Nantes bilang council chairman ng BSP at gobernador ng lalawigan ang ilan sa pinagbatayan upang ito ay mapili bilang isa sa pagkakalooban ng parangal.
Sa kanyang mensahe ay lubos na nagpasalamat si Gob. Nantes sa mga bumubuo ng BSP –Quezon Council sa pagno-nominate sa kanya at tanghaling isa sa bibigyan ng award bilang National Winner.
Naniniwala ang Gobernador na ang kanyang kampanya sa pangangalaga sa kalikasan ang isa sa tiningnang dahilan ng Search Commitee upang siya ay mapagkalooban ng award. Ang award umano niyang tatanggapin ay iniaalay niya sa lahat ng mga mamamayan ng lalawigan na nagmamahal sa kalikasan.Sa ilalim ng administrasyon ni Gob. Nantes ay tumigil ang mga pagpuputol ng mga punong kahoy at puno ng niyog . Ipinahinto din niya ang iligal na pangingisda sa lahat ng coast line ng lalawigan na nagresulta ng pagtaas ng antas ng mga nahuhuling isda dito.
Hinimok ni Gob. Nantes ang mga kawani ng Pamahalaang Panglalawigan na palagiing isabuhay ang apat na panuntunan ng magaling na Scout, ito ang “ Makadiyos, Makatao, Makabansa at Makakalikasan”, upang umunlad ang lalawigan at ang bansang Pilipinas. Ibinalita din ni Gob. Nantes na sa kasalukuyan ay mahigit na lamang sa 400 metro ang hindi pa natatapos sa ginagawang Infanta Marikina Road. Bago matapos ang taong 2009 ay makukumpleto na ang proyekto at hudyat na umano ito upang umunlad ang lalawigan dahil ipatatayo ang International Container Port .( PGOmbTSM/NMB ) |